Sunday, January 24, 2010

I'm Back! :D

Matagal din ako nawala sa eksena dito sa Guild. Not actually nawala but more of nag lie low. Parang imposible nga kung iisipin considering na napaka adik ko sa pag t-text. Nag umpisa at lahat nung Nakagraduate ulet ako sa pagiging single. Medyo complicated yung situation nun kaya hindi ko rin naman maikwento sa grupo. Sayang nga e kasi masaya sana kung naiishare sa mga tao yung good things na nangyayari.

Tapos andoon din yung pag rereview sa board exams. Hindi naman ako nauubusan ng oras ng kaya hindi ako makapagtext panay pa nga ang tulog ko. Napakatapang na sleeping pills talaga yang mga textbooks na yan hehe.

Ayun medyo napatagal ang pananahimik ko. Lumagpas ang Pasko haaaaay sayang naman. Siguro medyo hirap din ako na pagsabayin ang lovelife sa social life... Hindi naman sa demanding ang either pero syempre limited ang resources - time and money kaya talagang kelangan merong prioritization.

Coincidence siguro nga pero tumahimik din ang buong grupo. Kung dati nagrereklamo na sabog ang inbox, ngayon meron na nagsasabi (occasionally) na tahimik naman. Akala ko nga nun e mag mass exodus ang mga tao sa ibang groups :D sabagay hindi ko sila masisisi kung ganun ang mangyari.

E heto ngayon naman biglang bumalik ng kaunti ang pagka-adik ko sa pag GM kaya deadma kahit ako lang ang magingay minsan. Yan talaga stress outlet ko e - ang maikwento sa madla ang mga nangyayari sa akin, meron mang nakikinig o wala :D

Ah basta I'm back
blog comments powered by Disqus