Friday, September 26, 2008

this is it.....



aaawwwwwoooooo!!!!!!

RT! RT! RT! RT! what ever?!!! hahahah...

masasabi ko na tama na siguro ang desisyon ko na mahalin ko siya..hindi ko maikakaila na sa bawat minuto na lumilipas ay hinahanap ko ang bawat mensahe at tawag niya....

naku! alam mo ba FPG! mahal na mahal kita! hindi ko alam kung bakit...ngayon lang ako umibig ng ganito......siguro ikaw na ang tamang tao na dapat ko mahalin...sana huwag kang magsawa sa mga ginagawa ko bagkus maging masaya ka pa sana lalo sa aking piling para umusbong ng mas masagana ang ating pagiibigan...

mahalaga ka sa akin..alam yan ng sarili ko at ng Diyos....sa lahat ng bagay sa mundo,,wala ng hihigit pa sayo....

dati rati'y hihiga lamang ako sa aking higaan...ipipikit ang aking mga mata at matutulog..ngunit ng makilala kita...nagbago ang lahat...hindi ako hihiga sa aking higaan at hindi ako matutulog hangga't hindi pa kita nakakausap at nalalamang maayos ka...

inaalala ko lagi ang pagmamahal mo sa akin.. natatakot ako na baka isang araw sa pagmulat ng aking mga mata eh malaman kong mas masaya ka na sa piling ng iba...na mas maayos ka kapag kasama mo siya..sana huwag mangyari ang kinatatakutan ko...

kahit hindi pa tayo gaanong matagal sa ating relasyon...alam ko na tatagal at tatagal pa tayo...gagawin ko ang lahat para mapasaya ka lamang...gagawin ko ang lahat para huwag mawala ang pagmamahal na binibigay at inilalalaan mo sa akin...marami pa tayong dapat kilalanin sa bawat isa....marami pa tayong pagsasaluhan na mga sandali...at iyon ang mga araw na aking pinakahihintay..

maraming salamat aking kabiyak!!!

ikaw lamang ang aking mamahalin

at wala ng iba!!

awoooo==awoooo==awoooo==awoooo==awoooo==awoooo

ft.

winter==winter==winter==winter==winter==winter

blog comments powered by Disqus