Thursday, August 28, 2008

ARTIE

Hay... ang totoo nyan hindi ko alam kung paano ko sisimulan to. Ganito na lang. Paano nga ba kami unang nagkakila ni artie. Sa swimming pool sa laguna? tama ba? oo yun nga. tapos ayon nanginginig sa lamig... nilalagnat yata siya

Tapos, Unang beses naming nagkita ginamit niya ako. Kunwari bf niya ako kasi i me meet niya ung ex niya dahil manghihiram siya ng Harry Potter book7. Nagkita kami sa Glorietta nun. Tapos ayun.... dun niya unang beses sinabi sakin na "you're the exact opposite of the person i'm looking for" napa ngek lang ako kasi ano naman ngayon? hahaha!

Then, just recently, nabalitaan ko na lang na ang mga biruan pala ay totohanan na pala sa kanya. Ayun di ko alam na nakakasakit na pala ako pero nung nalaman ko na nakasasakit na pala ako itinuloy ko lang ung pananakit ko... hahahah! Wala, ayaw ko lang mag adjust. Ganon lang kasimple.

Tapos na ang kwento tungkol dun. Ngayon naman ang aking mensahe...

Felix, Isa ka sa pinaka importanteng taong naging bahagi ng buhay ko. Lahat tayo dito sa clan mga estranghero lang. Di talga tayo magkakakilala pero isa ka sa taong naging malapit sa akin at isa ka sa taong pinagkakatiwalaan ko. Gaya ng nasabi ko na sayo, hindi ako galit at lalung lalong hindi rin ako lalayo. Alam mo naman na nahihirapan din ako. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Ayaw kong mawalan ng kaibigan. Ayaw kong mawala ka sa akin. Pero di kita masisisi kung gusto mo munang lumayo. Sana maging ok pa rin tayong dalawa.



-=DARKSOUL=-

blog comments powered by Disqus